Sunday, April 19, 2009

Mahal Parin Kita........

Dear :______________
May Mga bagay na dumarating sa isang relasyon na hindi natin kayang iwasan, at ito ay ang "Pagtatalo" o ang " Pag-aaway", bakit ba nagkakaroon ng pagtatalo, dahil ba hindi nyo na mahal ang isat isa or may mga bagay na hindi nyo napagkakasunduan? alin ang alin.

Naramdaman mo na ba ? ni minsan sa tuwing magaaway kayo ang pakiramdam ng pagkasawa at pakiramdam ng pagsisisi? Sino ka ba? ano bang role mo sa awayan? ikaw ba yung "Tumatanggap" or ikaw Yung tipong daretso lang...

In this Moment of my blogging, nasa sitwasyon ako ng pagtatalo ng emosyon ko, hindi ko alam kung anong pakikinggan ko ang puso ko ba? or ang isipan ko? dumating ako sa sitwasyon halos hindi ko na makilala ang sarili ko kung paano at kailan ako umabot sa puntong ganito na kalayo at kalalim ang pagmamahal ko sa isang taong alam kong , nagbibigay sakin ng saya.

Nuong Una, akal ko hindi ito pagmamahal pero dumating ako sa punto na pakiramdam ko hindi ako buo kung hindi ko siya nakakasama, Tumakbo ang relasyon namin sa lahat ng aspeto ng pagmamahala, through thick and thin kung baga!!. Minahal ko ang taong ito, dahil alam ko pinaliligaya nya ang puso ko, ..pinagdaanan na namin ang lahat ng pagsubok sa relasyon, against all odds kung baga pero ang motto namin " walang bibitaw... no farewells no goodbyes" .

Kung nababasa mo man ito? Gusto ko lang malaman mo na narito ako simula at umpisa pa naman hindi kita pinabayaan, minahal kita ng higit pa sa sarili ko, ng higit pa sa dapat.,,,dumarating man tayo sa punto na halos gusto na nating bumitaw.. pero narun parun tayo at sinasalo ang bawat isa sa atin... pareho tayong nagkakamali, wala naman perfect satin, pero minsan nakakalimutan natin na mga tao pala tayo at hindi mga makina or computer na pwede nating utasan sa mga bagay na gustuhin natin.

Alam ko din na kung minsan, may mga pagtatalo tayo na nagdudulot ng mga pasakit sa ating mga sarili, mga karayom na tumutusok sa mga dibdib natin, pero gusto ko lang din malaman mo na kahit ganito ako, kaya kong sabihin na nagmamahal ako ng higit pa sa sarili ko. sana matutunan natin na magbigay, maging tapat, magkaroon ng tiwala sa bawat isa.

Mahal na mahal Kita, kahit ganyan ka lang, kahit na minsan pakiramdam ko wala ka, sa panahong dapat kasama kit, pero pipilitin at gagawin kong intindihin na , hanggang sa ganung bagay lang ang kaya mong ibigay.. Mahal Parin Kita............

Ang relasyon talaga parang roller coaster ride, my up's and down, pero wag nating kalimutan na ang roller coaster may preno, na magpapahinto at may control na magpapabilis ng takbo para mas thrilling...at sa relasyon Spice up tawag jan.

Para sa iyo....mahal parin kita!!!!!






No comments:

Post a Comment

I hope for your courteous comments and you will respect my opinions and personal views